andaming nangyari ngayong araw.. hay.. kahit nung 10am eh dismissed na kami..di naman kami nakapagconsult sa STR kasi sa lecheng DAT na yan.. di na rin ako nakapuntang Guidance, pati yung socsci ko.. hay..
pero astig. may net na ule yung volleyball court. whee! may inspiration na ule eko. este motivation, di ba ste? *wink**wink* ewan ko ba. simula nang nawala yang net, nawalan na rin ako ng ganang magaral. di na kasi ako nakakapaglaro every dismissal. nawala na yung routine na evrey dismissal, deretso sa vball court, sisigaw ng "challenge!!" kung may naglalaro na. minsan naman "ui pa.sub naman oh, aalis na ko" o di kaya "LAST-WARNING!!". yung mga laugh trip pag naglalaro, minsan may drama at kilig pa. hay. namimiss ko na yun. tsaka tambayan na ng tao,especially ng mga o8 na naglalaro ng vball ang vball court/parking area. maraming moments dun. wah. i miss those moments.*tears*
nung pauwi na, sumabay kami ni jepoy kasi bababa akong gateway para tumingin kung anong magandang gift ang bilhin. bibilhin ko sana yung jumbo card na black and white at papipirmahin ko yung mga tao. kaso, medyo cliche na so iba na lang. anyway, habang papunta kaming mrt at habang naghihintay ng train, kinekwento sa akin ni jepoy yung "faith" nila. astig nga eh. kasi kahit na alam kong contradiction yun[well may ibang hinde], di ko siya magawang makontra kasi in the first place, kokontrahin niya lang ako pabalik and na-aastigan ako dun sa kinekwento niya. tas may meaning pala yung necklace na suot niya..
Jepoy: tingnan mo tong kwintas.[sabay labas mula sa leeg nya] ito yung symbol na kasapi ka[sa "religion" nila]
me:oh? astig. gusto ko rin nyan.
jepoy:di pwede dapat kasali ka.
me: ehdi sasali ako. bilis sali na ako. Xp
astig di ba? yan ang astig kay jepoy, pinanindigan nya yung faith nya. wala siyang paki kung iba siya. cute naman siya :P
balik tayo sa gift. pagbaba ko ng cubao staion, malamang di pa gateway yun, farmers pa lang. nadaanan ko yung watsons. eh di ba may mga stuff toys dun? so tumingin ako. maraming pagpipilian lalo na at halos lahat nun sure akong magugustuhan niya. kaso wala pa akong money. so tingin lang muna.
pagdating ko sa gateway, didiretsyo akong fully booked para tingna yung magandang card, kaso katabi naman nun, watsons ule. tas mas malaki kesa yung nasa farmers so tumingin ako dun. meron akong nakita na sure ako na yun na tLg. kaya lang mga next week ko pa bibilhin. Xp
pagdating ko sa bahay, grabe pagod na pagod ako tas ansakit pa ng paa ko. wah. di na ako kumain kahit beef caldereta yung ulam, kasi nawalan na ako ng gana. kumain na lang ako ng paborito kong Fita Spreadz with spicy tuna. hehe :D
gusto kong manuod ng happy feet >.<