SO eto na. Mahaba-haba tong post na ito at 3 parts siya. Naaliw kasi ako sa nangyari kaya ikkwento ko tLga. Hehe.
Yesterday, hours before the prom, tLgang kinakabahan kami ni Vien. NagOL pa nga ako para lang bigyan siya ng mga last-minute rminders tas ginawan ko siya ng SCRIPT kung ano yung sasabihin sa table, kay karina at may mga reminders pang nakalagay. Then after nun, guess what? nago2jam ako!! pampatanggal kaba. button-smasher mode. mwuahahaha.
Mga 2 umalis kami dito ng bahay para magpa-make-up then katxt ko pa si vien.. bitz, pareho kaming kinakabahan. tas sinabi niya sa akin na nakita na niya si giecel at malapit lang daw yung room nila paula. oh well. then after nung make-up and stuffs, pumunta na kami ng mom ko sa Shang. then on the way napansin niya, di ako nakangiti or whatver. eh sino ba namang ngingiti pag kinakabahan?
so mga 300 na ako nakarating sa Shang. Hinanap ko pa actually yung room ni vien- Room 849. Nakakagulat pag-pasok ko, sinalubong agad ako ng isang Pisay Guard-si you-want-IR dude. Haha. Napansin niya agad ako. oh well. then hinanap ko yung room ni vien na nasa 2nd building pa pala =_=. so sumakay ako sa elevator- the DSL-like speed elevator na ilang segundo lang nasa 8th floor ka na. So andun na nga ako sa 8th floor, at hinanap ko yung room 849 (grabe antagal ko maghanap T_T) nahanap ko na, nagbuzz ako tas andun si vien at PM. grabe si PM adik na adik sa Wii pero ang stoopid namang maglaro ng Legend of Zelda. Inuuntog si "Pinky" sa bato. haha. tas andun pala yung dad ni vien natutulog :D
SO yun, the usual, KINAKABAHAN PA RIN KAMI NI VIEN. then mga ilang minutes pa, dumating na si jepoy with his dad and si you-want-IR dude ule. tas chineck niya kung nakacheck-in kami or something like that then umalis na yung dad ni jepoy. then eto na, last minute-reminders kasi it's actually mga 420 na. then nagbihis na kami. ang stoopid ni vien or was it the lock? kasi naglock siya sa CR tas medyo na stuck siya dun na di niya ma-open yung lock. and by the way, aliw yung banyo may naka-connect na speaker na naka-connect sa TV so habang nagwi-Wii si Pm, naririnig sa loob. XD
mga 430, umalis na kami sa room at pumunta na sa Isla Ballroom. thug-thug, thug-thug. eto na.
pagdating namin dun, wla pang masyadong tao then syempre hinahanap ni vien si karina. nag-register muna kami at andun yung mga teachers at may mga o9 din dun. then maya-maya, nakita na namin si karina at andun yung parents niya then siyempre pinuntahan ni vien tas piniktyuran sila ng parents niya habang nilalagay ni karina yung buttonierre (tama ba spelling?). basta kinikilig ako sa kanila XD
then maya-maya, isa-isang nagsidatingan ang mga tao. at in fairness, mukha na tLga silang tao. mwuahahaha. then pagdating nila steff, picture-picture naman. hehe. eto naman si vien di nanaman mapakali. haay naku. then maya-maya, umakyat kami ni vien papunta sa room para kunin yung SCRIPT then habang nasa escalator kami, nagtxt na si Neil na andyan na daw siya sa lobby. haha. nakita na nga namin pero wala pa yung buttonierre at yung corsage na pinabili namin kay soph. (yap, kung di mo pa alam, si esge nga promdate ko XD). then pumunta na kami sa room at pinakita namin kay esge yung Wii Room. haha.
pagbalik namin, it's already 6 something pero di pa nagsisimula. Damn Filipino time. Nagstart na actually yung prom ng mga 7. Final instructions namin sa cotilion after daw nung opening prayer, labas daw kami then punta kami sa dressing room para magpalit ng cotilion clothes. astig nung opening prayer-performed by Tobit, Jiano and Pachy. Pero bakaw si toebit sa mike so nangingibabaw yung boses niya. then after na nga nun, pumunta na kami sa dressing room para magpalit. medyo nagkaproblema yung dresses nung BLack kasi nagkapalit palit sila, pero ok na rin kasi at least narecognize nila kung alin yun kanila. Smart one. Medyo nahirapan kami nila Steff at soph na magpalit kasi ang complicated niya XD
After magpalit, bumalik na kami sa tables to have our dinner. Di ko masyadong na-appreciate yung dinner kasi may movie na pinapalabas na ginawa ni tami. Parang tribute siya sa o7. Pero masarap yung main dish. at yung dessert may strawberry at di ako kumakain ng strawberry. XD pero ok na rin. then after ng dinner tinawag na kami ni Ate Trish(?) na if we're through with our dinner, labas na daw kami. So yun nga, medyo kinakabahan nga kami-cotilion na!. yung first part kasi yung tableau, square tableau, tas yung dance per group. then habang naghihintay sa labas ng ballroom. grabe kinakabahan tLga ako.
pero habang naghihintay, comic relief muna. kasi sa labas ng Ballroom, to the right, may door. tas may tao dun na guard ata,pero with the light effects, mukha siyang GHOST. grabe, ang creepy niya. parang kami, WOAH. oh well. di na nakunan ni vien ng pic kasi napansin niya siguro na "pinagtatawanan" namin siya.
eto na, tableau part.kami pa yung huli. grabe. then nung kami na para magtableau, dun ko lang napansin na na sa amin ni jepoy yung spotlight kasi gitna kami! eh si jepoy sa likod naman nakaharap ako sa harap nakatingin, nakakahiya tLga. aack. tas may fog machine pa na ewan. ambaho naman. XD medyo late yung counting namin kaya nahuli. pero nakapagadjust naman. astig tLga. XD then yung bawat groups na. naaliw ako sa dance nung red. haha.
then after nun, may serenade yung sampa quartet. then nagbihis na kami for the masquerade and the high school musical. habang naghihintay kami sa entrance ng door, ang macho ng boses ni Red. woohooo.
eto na. after moths of practices, perseverance, pasaway-sessions with the instructors, this is the moment of truth Xp
MASQUERADE.
entrance, ang foggy. kasi naman may pa-for machine pa silang nalalaman. pero naaliw ako kahit na may mga mali kami ni Jepoy, ok lang. :D nung fans na, ang hirap i-turn or whatever yung fans. mahirap buksan pala. then after nun. dito naaliw mga tao.
HIGH SCHOOL MUSICAL
kasi may mga teachers na sumayaw sa stage-ma'am par, sir alfer, ma'am R sir petri and the like. then parang napansin, dun na binigay ng cotilion-ers yung best nila. kasi ang hyper namin. then yung last pose, astig tLgang may mga humabol sa harap. haha XD
so basically, tapos na ang cotilion. aawww. madami akong ma-mimiss, pero ok lang, kinuha naman ni kuya jay-r yung number namin.
then after nun, parang nominations na nung prom king/queen/prince and princess. woohoo. go robin XD pero walang kwenta di ako naka-nominate. owell. waw. candidate si robin for prom prince pero di siya nanalo. awwww. XD si Jao at Egg yung Prom King and Queen tas si Chiara at Don yung Prom Prince and Princess.
after nun, madaming picture-taking na naganap. picture dito, picture doon. basta masaya! tas nagpa-pic kami ni esguerra. hehe and si Vien at Karin ancute nila. XD
eto na yung masaya. dance night. grabe ang galing nung drummer ng Bloomfields. aaacckkk. idol! grabe.
tas si vien, kinikilig ako. yiheeee. grabe di ko ma-imagine na nagawa niya yun. ancute nilang sumayaw ni karina. at sumayaw din kami ni esge, jepoy at PM, kahit na lahat kami masakit na yung mga paa namin. at si karina pa yung last dance ko. naagawan ko pa si vien. haha XD nice last dance =p habang nasa dance floor kami, pinakita ni vien yung SCRIPT kay karina tas natawa na lang siya. pero vien patalo, nakakhiya, ako pa naman gumawa nun. owell.
then after nun,umupo na lang kami tas pinapanood yung gma taong sumayaw at nagkkwentuhan. mga 1 na umalis si karina tas hinatid namin siya sa parents niya. an vien's night is actually complete.
hmmmm after nun, wala na kaming masyadong ginawa. kumain pala kami dun sa chocolate fountain. weeee. :D
so basically, tapos na ang prom. i had fun and never kong makaklimutan tong night na ito. kahit na masakit isipin na tapos na nga to, well, wala naman akong magagawa. =_= just have to face the fact na ganun nga.
prom's over but here comes game over.
*to be continued
Labels: happy, pisay, prom, thankful, tired