let me take you on the ride of your life
kai
-_-
A computer science student at the
University of the Philippines Diliman.
Loves Purple, Anime, Manga, Photography, Hiphop Dancing, Shoes, Tech Deck
and some random lulz that makes me smile. =))



anything to say?






escape
mine :))
Plurk || Twitter || Tumblr || Youtube Channel




domo
layout: * etoile filante
colours: mintyapple
icons: cablelines
background: materialisti-c



Gaara Thursday, July 24, 2008 5:53 PM
Eto, katabi ko siya ngayon. Kanina ko pa siya tinitingnan. Kaya gagawa ako ng blog entry, about him. Haha.

Si Gaara.

Ang pusa ni Gabby na inampon for some reason. Haha.

Naalala ko pa, nung inampon ko siya. Wednesday yun. March 27, 2008. Pumunta ako sa bahay ni Gabby dahil sa wakas tuloy na yung planong lagi na lang na'de-delay -- kunin si Gaara sa bahay nila at ampunin na.

Pagdating namin sa bahay, [eto naaalala ko pa talaga!] yung karpintero lang yun tao dun. Tas binalitaan niya si Gabby na nakakain siya ng panis na ulam @_@ Haha. Okay balik kay Gaara. Pagdating namin dun, umalis yung kapatid niya tsaka yung isa pa nilang kasama. Kaya ayun. Haha. At FIRST TIME KONG NAKITA SI GAARA. Haha!

*nakaraan*

Tumawag si Gabby sa bahay. Tapos tinanong niya kung pano magalaga ng pusa. Tainanong ko siya, bakit naman niya natanong. May napulot daw siyang pusa. At pinangalanan niya itong "Gaara", mula sa favorite Naruto character ni Gabby. Mula noon, lagi nang nagtatanong si Gabby ng mga dapat gawin- san siya pwede patulugin, ano pwedeng ipakain skanya, stuff like that. Ako naman, naaaliw ako kay Gabby kasi na'feel ko na gustong-gusto niya alagaan si Gaara. At dun nagsimula lahat.

*balik sa kasalukuyan*

[umupo si Gaara sa tabi ng keyboard at hinahabol ang cursor sa monitor]

Dati kasi, sa picture ko lang nakita si Gaara. Digicam yata ni Yssa yun o ni Kim. Basta piiniktyuran nila si Gaara nung gumawa sila ng Econ Mag sa bahay nila Gabby. Ankulit nga daw niya eh! Haha =] Si Gabby lagi niyang kinekwento lahat ng kakulitan ni Gaara. Haha.

Syempre, nung nakita ko na, tinry kong amuhin, lapitan. Pero medyo mailap pa siya. Siguro alam niya "Don't talk to strangers". At di naman siya nagsalita. "Inintroduce" na lang ako ni Gabby skanya, sa pamamigtan ng, paglaro ng ID lace. Haha! Makulit nga siya! Saksakan ng kulit!

Maya-maya naghanap na kami ng lagayan na pwedeng "cage" ni Gaara. Medyo nalungkot na ako kasi syempre, alam ko yung naffeel ni Gabby. SAD. Pero siguro, para na rin sa kapakanan ng pusa yan. OHhwell

[nahiga na si Gaara sa tabi ng keyboard at monitor]

Nakakakita na si Gabby ng box. Ai! Hiningi pala namin sa tindahan yun. Hahaha. So ayun. Nilagay na namin siya sa box, tinape, at umalis na ako. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Gabby. =( SAD!

Habang nasa taxi, ngiyaw siya ng ngiyaw. Buti na lang di nairita yung driver [on the other hand, FEEL ko naiirita na siya XD] Pagdating ko sa bahay, ako lang magisa. Ayun. Binuksan ko na yung box, umalis bigla si Gaara at nagtatakbo kung saan-saan. Syempre nanibago sa surroundings niya. Kaya hinayaan ko muna siyang magexplore.

After mga 1 hour, dumating na sila Papa, Mama at si Lance. Winelcome naman nila si Gaara. Hehe. Binigay ko munang room sa kanya yung room nga katulong namin na nagbakasyon muna sa kanila. Malaki naman yun para sa kanya. Dun ko din muna nilagay yung pagkain at inumin niya.

Nung mga unang araw pa lang niya. Hindi pa niya alam na ako ang bago niyang "amo". At hindi pa niya alam "rules" sa bahay. Kaya ang ginagawa niya:

a. Tumatabi kila Papa at Mama pag gabi, at naffreak-out si Mama. Haha.

b. Poopoo sa bakanteng kwarto. Haha. Weewee, di ko alam kung san!

c. Pumapasok sa cabinet para matulog!

Pero siyempre, inunti-unti ko ang pag-introduce skanya sa bago niyang "home". Kaya nung tumagal, natuto na siyang mag'poopoo at weewee sa labas ng bahay, natuto na siyang matulog sa mga dapat lang tulugan. Natuto na rin siya manghuli ng ipis. Haha. Pag ipis ka dito sa amin, wag ka papahuli kay Gaara, kung hindi, YARI KA! Pag gising namin sa umaga andaming patay na ipis sa kitchen. n____n Haha!

Tapos lumabas na rin yung kakulitan niya. May times naglalaro kami, iggrab niya bigla kamay ko tas ittry nyang kagatin. Lagi yan! Haha. Tapos napansin namin pag trip ka niya, hahabulin ka niya, bigla siyang pupulupot sa leg mo and he'll bite you. Haha. Kaya ako sanay na. XD


At higit sa lahat, tuwing gabi tumatabi na siya sa amo niya =]


Ngayon, eto siya natutulog sa tabi ng keyboard. Lakas trip nuh? Haha. Pero malaki na siya. Kinuha ko siya kay Gabby, parang kaka'graduate pa lang niya sa pagiging "toddler". Ngayon, "binata" na. Kumekereng-keng na eh XD Haha.

Love ko si Gaara. Haha. Duh. Pero narealize ko lang yung LOVE ko talaga sa kanya last week.


Umalis siya ng bahay tapos hindi siya bumalik ng mga 3 days! Nakaka-paranoid. @_@ Tapos dumating yung point na umiyak ako dahil dun. Gabi yun eh. Tapos ready to sleep na ako. Naisip ko siya bigla kasi, WALA AKONG KATABI! Tapos kung anu-anung thoughts na yung pumasok sa isip ko- Asan na kaya siya? Nakakakain kaya siya ng mabuti?. Lahat ng worries ko sakanya, naisip. Tas naisip ko rin, anu kayang isipin ni Gabby pag nalaman niya na nawala si Gaara? OMG! Tas naiyak ako nung naisip ko yun thought na, kung babalik pa siya o hinde. Shucks! Pero sa awa naman ng Diyos[ pinag'pray ko din!] bumalik siya kinabukasan. Para lang kalmutin ako @_@

Ngayon, eto nagising ang kumag, kinalmot yung left hand ko, habang nagttype. XD



Haha. I love you Gaara :)