haha. wait bago lahat. linawin ko lang ang mga recent question sa akin.
1] "San ka na ngaion?"
-- CCP po. sa may tabi ng SM Centerpoint.ü
2] *pagkatapos marinig yung sagot sa unang tanong*"Anu yun?"
--Cultural Center of the Philippines. haha. joke ;] Central Colleges of the Philippines po.
3] "Ah. *oo na lang. haha* anung course mo?"
--BS Computer Science po ü
4] "Anu schedule mo? Kailan ka walang pasok?"
--pag sunday lang po. Mth, 9-4; TF, 1030-430; Wed, 730-1130, Sat, 8-12. ansaya nuh?
[ sa mga nalaman nio ngaion, isipin nio na LAHAT ng gusto niong sabihin. hehe. you know what i mean. ü]
make kwento.Ayun so nangyari yung incident, July 2, Wednesday, habang pauwi ako. Tapos, yung ID ko binulsa ko, tas yung ID strap nakalabas. ayun. Then, habang nakasakay sa LRT, mga 4 na yun eh, nag'SM pa kasi kami hehe. ü Na'feel ko na lang na may humugot bigla ng ID Strap ko, angaling nga eh, super bilis ng kamay nung kumuha. haha =p
Tapos, paglingon ko, wala. Syempre sa dami ba naman ng mga tao, malalaman mo pa ba kung sino yun? Haha. Ayun. The nxt day ang pinapakita ko na lang sa guard, para papasukin ako is yun AS [Adviser's Slip] ko. Aun. Haha.
Akala siguro nung kumuha cellphone yun. Hehe. Malas niya. XD
Pero, anu namang gagawin niya sa ID ko? Identity theft kaya? Haha. Di naman siguro. Kasi mali rin naman yung pirma ko dun! Haha. AT hindi yung complete address yung nakalagay dun. Gagamitin niya kayang way yun para makapsok ng CCP? Subukan niya lang.
Oh'well. Dumadami ang mga kleptow ng mga kung anung bagat. Sikat na yung mga kleptow ng bolpen, wallet, pic, at kung anu pa. Pero kakaiba talaga eto- ID! Haha. Nabasa ko pa nga yung blog entry ni Steff, na may nagnakaw ng payong niya. Biruin niyo yun, pati payong, pinagkakainteresan na ngayon? Haha! Pati yung ibang kong classmates sa CCP, nanakawan ng payong. Siguro yung mga nagnanakaw, scared mabasa. Haha.
Nga pala, yung nasakyan kong LRT, yung may "painted train". Advertisement whatever yata ni PGMA yun. Grabe, pati train, may mga pictures ni PGMA at work! Tipong, pagtutulong niya sa mga mahihirap [pati pagdadasal niya kasama mga madre. Bakit kaya kailangan ipakita yun? Hmmmm.] Tapos sa dulo ng train, may plug na:
"Spread the Charity Virus"
AMF :X